JUDY ANN SANTOS, ANNIVERSARY BABY NG REGAL FILMS! PDF Print E-mail
User Rating: / 0
PoorBest 
Thursday, 25 June 2009
JUDY ANN SANTOS, ANNIVERSARY BABY NG REGAL FILMS!
Subok na sa takilya ang lucky charm ni Judy Ann Santos tuwing annivesary ng Regal Films. Pinatunayan niya ang pagiging Reyna ng Takilya nang ilabas ang “Mang-ingat Ka Sa...Kulam” last year sa anibersaryo ng Regal na talaga namang tumabo sa takilya!
 
 Heto at sa nalalapit na anibersaryo ng movie company ni Mother Lily next month, handog niya ang Juday movie na “Oh, My Girl!” kapareha ang in demand na singer-comedian na si Ogie Alcasid!
 
“Mula nang gawin ni Juday sa Regal ang ‘Sana Naman,’ itinuring ko na siyang suwerte sa anniversary offering ng Regal. This time naman, makikita ang kahusayan niya sa comedy. Hindi pilit ang pagiging komedyante niya sa OMG lalo na’t vibes din sila ni Ogie!” pagmamalaki ni Mother Lily.
 
Hindi maipagkakailang nag-akyat din ng milyones sa kaban ng yaman ng Regal Films. Pero kahit gumagawa siya ng pelikulang sa iba film outfits, nananatiling nasa Regal ang puso niya.
 
“Regal baby naman talaga ako. Si Mother Lily talaga ang unang nagtiwala sa kakayahan ko sa boxoffice. Kaya kapag meron siyang project na aprub sa akin, hindi na namin pinag-uusapan ang budget!” paliwanag naman ni Juday.
 
Magsisilbing regalo rin ni Juday ang OMG sa kanyang mga followers matapos ang wedding nila ni Ryan Agoncillo.  Sinimulan niya ang movie bago siya ikasal at kahit kasal na siya, nagbigay siya ng araw upang umabot sa playdate ang movie sa July 29.
 
Sa totoo lang, punumpuno ng kasiyahan at katatawanan ang movie. Swak na swak ang comedy scenes nina Juday at Ogie na sinuportahan ng mga kaibigang Roderick Paulate, Carmi Martin, Manilyn Reynes, Jon Avila at may special participation sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.
 
Sa pelikulang, muling nagpaka-girl si Ogie na una niyang ginawa sa “Desperadas 2” na humataw rin sa takilya sa last year’s filmfest. Secret nga lang kung nagkaroon ba ang kissing scenes ang dalawang bida ng “Oh, My Girl!” huh!
 
Ngayon pa lang, kinasasabikan na ang bagong tambalan nina Juday at Ogie sa kakaibang laugh story ng taon na tiyak na kikiliti at magbibigay-aliw sa manonood.
 
Eh, basta Juday movie naman, lalo na’t siya ngayon ang Anniversary Baby ng Regal Films,tiyak na jackpot sa takilya, mapadrama o komedya! Mula sa direksyon ni Dante Nico Garcia ang “Oh, My Girl!”

Last Updated ( Wednesday, 01 July 2009 )
 
< Prev   Next >
We have 3 guests online