
Wala nang kaeklayang sumang-ayon ang megastar na si Sharon Cuneta nang lambingin siya nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid na magkaroon ng special appearance sa comedy movie ng taon na “Oh, My Girl (OMG)” ng Regal Films. Kaya naman nang mag-follow up ang director na si Dante Nico Garcia at Noel Ferrer, manager ni Ryan Agoncillo at kaibigan ni Shawie, nagbigay agad ito ng isang araw upang kunan ang eksena niya sa Taal, Batangas.
“All for the love of Juday and Ogie, handa akong magbigay ng oras sakanila!” pahayag daw ni Shawie nang makausap siya nina Direk Dante at Nico.
Sa totoo lang, malawak na ang friendship na nabuo kina Sharon at Juday na lalong pinagtibay nang magsama sila sa award-winning movie na “Magkapatid.” Constant textmates silang dalawa at hindi ba, nang ikasal si
Juday kay Ryan, naganap ito nu’ng April 28 na siya ring araw ng kasal ni Shawie kay Sen. Kiko Pangilinan?
Matron of honor pa sa kasal si Sharon nu’ng kasal na bumiyahe nang ilang oras upang maging bahagi sa kasal ng matalik na kaibigan, huh! All for the love of Juday ang drama ng Sharon sa Drama Princess na isinantabi ang pagiging megastar niya nu’ng araw na ‘yon, huh!

Bukod kay Juday, malapit din sa puso ni Shawie si Ogie. Magkaaway man ang networks nilang pinaglilingkuran, nananatili pa rin ang silent friendship nila ng TV host-comedian-songwriter. In fact, tini-treasure ni Sharon ang pagpayag ni Ogie na ibigay ang komposisyon niya nang gawin nito ang album na “Sharon Sings Alcasid”. Malaking bagay ‘yon sa puso ng megastar kaya hanggang ngayon, love na love pa rin niya ang komedyante, huh!
Batid ni Sharon na sa mundo ng showbiz, mabibilang sa daliri ang itinuturing niyang kaibigan. Once namang naging friend ng megastar ang isang celebrity, asahang through thick and thin, sa lungkot at ligaya, just a text
o call away lang ang megastar!

So matapos magbigay ligaya sa huling movie niyang “BFF (Best Friends Forever)”, kakaibang Sharon Cuneta ang mapapanood sa “OMG” bilang suporta sa mga kaibigang Juday at Ogie. Naku, hahalakhak ang lahat sa mga eksena ni Shawie sa movie, sa totoo lang!
Harangan man ng sibat, batuhin man ng intriga, walang puwedeng makapigil kay Sharon Cuneta upang itodo at ipaalam sa buong mundo na handong ibigay ang lahat para sa minamahal na Juday at Ogie!