DREAM PROJECT NI MOTHER LILY KAY OGIE ALCASID, NATUPAD NA SA “OH, MY GIRL!” PDF Print E-mail
User Rating: / 1
PoorBest 
Wednesday, 01 July 2009
DREAM PROJECT NI MOTHER LILY KAY OGIE ALCASID, NATUPAD NA SA “OH, MY GIRL!”

 


Matagal na palang pangarap ni Mother Lily na makapareha ni Ogie Alcasid si Judy Ann Santos. Kaya naman abot-langit ang ngiti ng Regal producer nang matupad  ang dream project niya sa “Oh, My Girl!” na anniversary offering ng kanyang movie outfit.

“Kaya nang ibigay sa akin ang script ng movie nila, yes agad ako! Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Feeling ko, naka-jackpot ako  nang mapagsama ko  sila! Sa anniversary offering ng Regal!” pahayag ni Mother Lily.

 

 Humahanga rin kasi si Mother Lily sa pagiging mahusay na komedyante ni Ogie.  Bilib na bilib ito sa kakaibang style ng pagpapatawa niya lalo na kapag nagsusuot pambabae ito.  Eh, si Juday naman, magaling din ang timing sa pagpapatawa. Kanyang napatunayan ito sa movies na ginawa niya na “Kasal, Kasali, Kasalo” at “Sakal, Sakali, Sakloko.” Winner kaya si Juday ng best actress sa pelikulang ‘yan!

“I believe na greatest team up of them all itong kina Juday at Ogie. Pareho kasing magaling ang timing nila sa comedy at ito ang movie na masasabi kong picture ng true and genuine friendship. Kahit walang love
angle sa script, very touching ang mga eksena nila sa movie,” pagmamalaki pa ni Mother Lily.

Komo dream project niya, pati sa pagtulong sa theme song ng movie, nakialam ang Regal producer. Kaya naman kung makikita ninyo ang producer na kinakanta ang theme song ng “OMG,” huwag nang magtaka dahil nanggaling sa puso niya ang paggawa nito!

Sa parte naman ni Ogie, ibinuhos di niya ang kanyang dedikasyon sa kahusayan sa pagpapatawa dahil si Juday ang kasama niya. Pangarap  din niyang makasama sa movie ang Drama Princess lalo na’t kasama rin siya sa pagbuo ng project. So nang ioper niya ang project kay Juday at positibo ang sagot, naglulundag talaga siya sa tuwa, huh! Of course, hindi lang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan ang handog ng “OMG!” Hindi lang mga touching moments ang hatid ng mga eksena nina Juday at Ogie. Theres’ a lot more sa tambalang ito lalo na’t hands on si Mother Lily na aspeto ng pelikula mula sa kuwento, shooting at pagbebenta ng pelikula.       

Kasama rin sa dream project nina Mother Lily at Ogie sina Roderick Paulate, Carmi Martin, Manilyn Reynes, John Pratts, Jon Avila at may special participation sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez. Mula sa direksyon ni
Dante Nico Garcia ang “Oh, My Girl!”

Last Updated ( Wednesday, 01 July 2009 )
 
< Prev   Next >
We have 7 guests online