Dennis Trillo …Natakot sa “Tarot” PDF Print E-mail
User Rating: / 0
PoorBest 
Thursday, 20 August 2009
Dennis Trillo …Natakot  sa “Tarot”
Kakaibang kaba at takot ang bumalot kay Dennis Trillo nang harapin niya ang tarot reader na siyang naghudyat ng kanyang personal na karanasan sa epekto ng “Tarot,” ang pelikulang kinatatampukan nila ni Marian Rivera at Roxanne Guinoo. 

Ang tarot ay kakaibang baraha na puwedeng magbigay ng gabay at babala sa isang tao sa mga larangan ng pag-ibig, trabaho, buhay pamilya, negosyo, paglalakbay at marami pang iba. Ito ang kinaharap ni Dennis at heto ang sambit niya, “Kakaiba pala ang feeling ng ‘tarot reading.’ Exciting pero nakakakaba rin. Curious akong malaman kung ano ang kalalabasan nito. Nalaman ko na depende naman sa tao kung paano niya haharapin ang mga paalala ng tarot --- puwedeng sa mabuti o maaari ring sa masama kasi; kung gamitin mo man ang baraha sa masama, may repercussions yun ha! Kaya doon na lang ako sa makakabuti sa akin.”

Ayon sa Regal producer na si Roselle Monteverde-Teo, original ang tarot cards na ginamit sa pelikula. Nagpadesign talaga sila ng cards na may inspiration sa tarot desk. Sabi ni Roselle, “Nag-iingat lang kami,  ayaw naming  madikit sa isang particular  kind of tarot at maging negative ang effect nito. We were careful and dinesign namin yung cards in such a way na hindi makakagambala sa mga spirits at espesyal talaga ang mga cards na ito because you won’t find them anywhere else.”




 
Last Updated ( Thursday, 20 August 2009 )
 
< Prev   Next >
We have 5 guests online