|
Jun Lana : From the megahit “KULAM” to potential blockbuster, “TAROT”! |
|
|
|
|
Thursday, 20 August 2009 |
Jun Lana : From the megahit “KULAM” to potential blockbuster, “TAROT”!
MATAPOS gulantangin ang manonood at tumipak nang milyon sa takilya , ang pelikulang “Mag-Ingat Ka Sa...Kulam” nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo, muling mananakot ang latest horror director na si Jun Lana sa follow up niyang horror film , ang “Tarot” nina Marian Rivera at Dennis Trillo mula sa Regal Entertainment, Inc. na ngayon pa lang ay inaasahang magwawagi sa takilya pagbukas nito sa August 26. Narito ang pahayag ng bagong boxoffice sensation na director tungkol sa latest niyang “Tarot,” sa mga artista niya, ang kaibahan ng bago niyang movie at iba pang nakakawindang na katatakutan sa pelikula. “After Kulam, Roselle (Monteverde) wanted a follow up. Ayoko munang gumawa ng horror para maiba. Kaso sa kuwento ng comedy at drama, walang interesting. Sa horror, may interesting. I really like the story of Tarot. Ito ang pinaka-interesting sa scripts na binasa ko. “The title itself is a promise of a horror movie. Wala pang horror movie na tungkol sa baraha. Unique ang story.
“Either mapantayan nito o ma-surpass ang na-achieve ng Kulam. Kahit horror ‘yung movie, dapat nag-e-enjoy ‘yung tao. In the same vein as Kulam. Nakakatakot. Maraming gulatan. “Masa talaga siya. When I do horror movies, I do it for the audience. Horror for me is a roller coaster ride. It should be a joy. Pure entertainment. Horror is cinema at its best. MGA EKSENANG NAKAKATAKOT “Ang hirap ng pelikulang ito. Much more ambitious than Kulam na bahay lang. Ang daming locations. Pumunta kami sa Mt. Banahaw to shoot certain scenes. Malaki ang hirap. Mas malalaki eksena kasi ang ‘yung kuwento, ilang generations ang covered. “Nakaramdam din nga kami ng mga nakakatayo ng balahibo experience habang nagsu-shoot kami sa Banahaw. Nabulabog yata namin ‘yung mga ispiritu doon. Sa kalagitnaan ng shoot namin, merong nalaglag na malaking...Para malaking branch ng puno! Walang pinanggalingan! Mabuti nga, walang naaksidente! “Nagdadasal naman kami bago mag-start ng shooting. Lagi sa akin ‘yon especially pag horror ang ginagawa ko. Baka mamaya, may attract na mga negative,eh. EFFECT SA MANONOOD Hindi naman epekto nito ‘yung matatakot ang tao sa manghuhula. Naging maingat naman kami. Nag-research kami. May consultant kami sa set tungkol sa pagbabasa ng baraha. The story is one story that very personal to one character. Kaso na-apply sa manghuhula. It’s possible kasi na gamitin mo ang bahara sa masama,eh. Kapag ginawa mo ‘yon, may repercussions din. "Original ‘yung cards na ‘yon. Nagpa-design ako ng sarili kong cards na may inspiration from other tarot decks. Pero original siya kasi ayokong madikit sa isang particular kind of tarot at isiping napaka-negative nito. I was very careful. Dinesign namin and you won’t find it anywhere else. SPECIAL EFFECTS “Mas marami kaming effects. Ambitious ang pelikulang ito. Siyempre ayokong ulitin ang sarili ko. Oo nga, parang ‘yon ang forte ko. Ganyan ako noon sa TV. Iniiwasan ko ngayon pero ‘yon ang dumarating. ON MARIAN RIVERA AND DENNIS TRILLO “Nakatrabaho na na siya noon sa Wag Kang Kukurap. Then, sumikat na siya. To be honest, ang dami kong naririnig na negative kaya iniiwasan kong makatrabaho siya. Kasi, mahirap na ngang gumawa ng pelikula, magkakaroon ka pa ng mahirap na katrabaho. Surprisingly, mali lang siguro ‘yung impression ng tao. She’s professional throught. Always on time. Knows her lines. May suggestions siya sa character siya. I was really impressed. “As an actress, definitely, mas may lalim siya ngayon. Mas marami siyang nuances sa caharcter niya at sa palagay ko, habang tumatagal, gagaling pa siyang lalo. “Kay Dennis, wala nang problema. Swak na swak siya sa role niya at hindi ko na siya kailangang i-challenge pa. “Okey ang chemistry nila kasi nagkatrabaho na sila sa Super Twin, Pamahiin. At ease na sila sa isa’t isa. Ang galing nilang maglaro sa screen. Evident ‘yung chemistry nila.
CHALLENGE OF TAROT “To make if different from Kulam. ‘Yung katatakutan, wanted it to be different also. At the same time, gusto kong mas malaki siya. So ‘yung vision na ‘yon, it took time for em to come up with that. Kaya ko rin pinadesign ‘yung cards. Para mag-adhere sa vision ko as a director. “Maraming ambitious na eksena na malalaki sa bundok. Kung paano na-cover ‘yon. Naglakad nga kami ng tatlong oras sa Banahaw para marating ‘yung tuktok. Pagdating namin sa tuktok, puro ulap. Wala kaming makunan. So kailangang lumipat kami ng ibang bundok at lumakad uli kami. Doon ako humanga sa dalawa. GOOD VERSUS EVIL “Yes! Actually, it’s about a choice,eh. Actually, ang character dito ni Marian is: How much are you willing to sacrifice for love? ‘Yun ang pinaka-question,eh. Ang kuwento nito, nawala si Dennis at inisip ng mga tao na patay na siya. “Tapos ‘yung character ni Marian, parang naniniwalang buhay pa siya. So ginamit niya ang tarot kahit hindi na pwuedeng ilibing ito kasama ng lola niya. May pamahiin na kapag ang tarot kinuha mo sa patay at ginamit mo ‘yon, may kapalit na hihingin sa ‘yon. Natagpuan niya si Dennis pero maraming hininging kapalit ang baraha! Maraming kinuha sa kanya! ANO ANG MAI-EXPECT NG MANONOOD SA FINALE? “Kagaya ng Kulam, kaya gusto ko ang kuwento ng Tarot, dahil meron siyang twist,eh, ‘yung Kulam ws about that. Importante ‘yung twist. Dito, merong malaking-malaking twist sa ending kaya nagustuhan kong gawin. “For me kasi, ‘yung horror is not just na tatakutin mo ‘yung tao. Dapat silang ma-hook sa kuwento from the start. Kasi kung nananakot ka lang at walang effect ‘yung kuwento, walang kuwenta rin ‘yung movie!” After “Kulam” at “Tarot,” hinahangad pa ni direk Jun Lana na makagawa pa ng isang horror movie upang maging trilogy na ito and another is coming up pero ayaw pa niyang kumpirmahin ang project niyang ito. This early nga, ramdam na ramdam na ang “Tarot” fever dahil sa matinding epekto ng trailers na napapanood ngayon sa sinehan at telebisyon, huh! Bukod kina Marian at Dennis, nasa “Tarot” din sina Gloria Romero, Celia Rodriguez, Roxanne Guinoo, Nina Jose, Susan Africa, Alwyn Uytingo at marami pang iba. Abangan din pala sina Marian, Dennis at ilan pang cast ng “Tarot” sa kanilang mall show at sa premiere night nito sa August 24.
|
|
|