ALJUR & KRIS, HANDA NA ANG LAUNCHING FILM PDF Print E-mail
User Rating: / 2
PoorBest 
Friday, 04 September 2009
ALJUR & KRIS, HANDA NA ANG LAUNCHING FILM

 Handang handa na ang  “Nandito Ako…Nagmamahal Sa ‘Yo,” ang launching film ng pinakamainit at popular na loveteam ngayon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Sa pangangalaga ng premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes, ang pelikulang ito ay magpapakita ng napakagandang love story na ang backdrop ay ang magagandang tanawin ng probinsya ng Bohol.

 “Excited ako sa pelikulang ito dahil Regal has always been the prime mover of loveteams since the time of Nora & Tirso, Vilma & Boyet, Maricel & William and many more, at ngayon, the time has come for Aljur & Kris as the hottest loveteam of today!,” sabi ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. “Lagi kaming masaya kapag maty ini-lo-launch na isang loveteam to full stardom sa isang pelikula, lalo pa’t ginatusan talaga ang pelikula nina Aljur & Kris na makikita niyo naman sa ganda ng kuwento at sa makamamanghang visuals!,” pagmamalaki ni Roselle Monteverde-Teo.

 Mula sa kanilang pananalo sa Starstruck, ipinagkatiwala kina Aljur at Kris ang toprating na “Dapat Ka Bang Mahalin” at ngayo’y namamayagpag sa kanilang primetime soap opera na “All My Life.” Sa init ng pagtanggap sa kanilang tambalan ng mga fans, hinihintay na talaga ang kanilang pagsasama sa kanilang launching sa pelikula.

 “Ito na ang regalo naming sa lahat ng fans at taga-suporta namin. Sana magustuhan nila itong inihanda naming pelikula para sa kanila,” sabi nina Aljur at Kris na talaga namang lalong napalapit at nagmahalan sa shooting ng pelikula sa Bohol.

 NANDITO AKO…NAGMAMAHAL SA ‘YO ay showing on September 30 nationwide at may premiere night sa September 27 sa SM Megamall.

Kasama pa rin ito sa Regal’s Anniversary offering.

Last Updated ( Friday, 04 September 2009 )
 
< Prev   Next >
We have 10 guests online