|
ALJUR & KRIS NADEVELOP SA BOHOL
Ilulunsad na bilang loveteam hindi lang sa telebisyon, kundi pati na sa pelikula --- and sikat na tambalan nina Aljur Abrenica and Kris Bernal sa “NANDITO AKO … NAGMAMAHAL SA ‘YO” ng Regal Films sa direksyon ng premyadong si Direk Maryo J. delos Reyes. Ito nang pelikulang ito ang matatawag na pinakamalaking break nina Aljur at Kris sa kanilang career at ginawa nilang lahat nang kanilang makakaya para mapasaya ang kanilang audience at maabot ang napakataas na expectations ng kanilang producers at supporters na nakaantabay sa kanilang kahit noon pang nanalo sila sa Starstruck. Sobrang inspirado sina Aljur at Kris lalo pa’t halos sa kabuuan ng pelikula ay kinunan nila sa Bohol. Masasabi nga na ang kanilang unique love story ay lalo panhg nadevelop at napakaganda dahil sa magagandang tanawin sa lalawigan ng Bohol kasama na rito ang Loboc River, Chocolate Hills, Baclayon Church, Bohol Bee Farm, Hinagdanan Cave, Tagbilaran Sea Port, Butterfly Garden, Mangrove Farm, Panglao Beach, Tarsier Sanctuary at ang Man made Forest. “This is our biggest film in Regal’s Anniversary Presentation and we made sure that we give our audience the best treat that we can give them especially the legions of Aljur-Kris fans,” sabi ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. “NANDITO AKO…NAGMAMAHAL SA ‘YO will definitely make everyone of us feel young and in love once again at siguradong madadala at ma-iinlove tayo sa heartwarming lovestory nina Aljur at Kris na lalo pang napalapit sa Bohol,” pagkumpirma ni Roselle Monteverde-Teo. NANDITO AKO…NAGMAMAHAL SA ‘YO will open on September 30 sa lahat ng theaters nationwide at gaganapin ang premiere night sa September 27 sa SM Megamall. |