ALJUR & KRIS HALIKAN NANG HALIKAN SA BOHOL PDF Print E-mail
User Rating: / 1
PoorBest 
Thursday, 10 September 2009
ALJUR & KRIS HALIKAN NANG HALIKAN SA BOHOL

Ilang bases nahuling naghahalikan  sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa shooting nila sa Bohol para sa kanilang launching film na “NANDITO AKO…NAGMAMAHAL SA ‘YO.”

“Sweet naman po talaga sa akin si Aljur at masasabi kong komportable na po kami sa isa’t isa kaya maganda pong lumabas ang mga romantic scenes naming sa pelikula,” sabi ni Kris Bernal. “Masaya sa set, at napakaganda ng Bohol kaya kami mismo, nadadala kami sa ganda ng mga eksena at lugar at kuwento ng pelikula na natural lang talaga ang anumang eksenang makikita niyo,” pagkukumpirma ni Aljur.

“Istorya ang mapapansin ninyo sa pelikula at hindi kung ilang beses kaming naghalikan,” dagdag ni Aljur “pero kung tutuusin nga, marami nga kaming medyo intimate at nakakakilig na eksena dito sa pelikula,” banggit ni Aljur na talaga namang to do at pagpapaseksi dito sa pelikula at pinangatawanan ang kanyang pagiging Sexy Eligible Bachelor ng bansa.

Sabi naman ni Roselle Monteverde-Teo, “Bukod sa mga nakakakilig na mga eksena, ang ‘NANDITO AKO…NAGMAMAHAL SA ‘YO’ ay kuwento ng pagmamahal, pagbibigay, pagpapatawad at pagsasakripisyo. Maraming matututunan ang mga manonood nito ukol sa tunay na pagmamahal na nalalampasan ang kahit anong hadlang at problema.”

Diin naman ni Mother Lily, “Sana ma-inspire at ma-inlove ulit ang mga manonood nito dahil talaga namang pinaganda naming ang pelikula bilang kasama pa rin sa Anniversary Presentation ng Regal Films.”

Ang “NANDITO AKO…NAGMAMAHAL SA ‘YO” ay palabas na sa lahat ng mga sinehan sa Setyembre 30 at may premiere night sa Setyembre 27 sa SM Megamall. Ito’y sa direksyon ng premyadong si Maryo J. delos Reyes para sa Regal Films.

Last Updated ( Wednesday, 16 September 2009 )
 
< Prev   Next >
We have 5 guests online