|
MOTHER LILY, BILIB SA ALJUR-KRIS LOVETEAM |
|
|
|
|
Tuesday, 22 September 2009 |
|
MOTHER LILY, BILIB SA ALJUR-KRIS LOVETEAM
Sa dinami-dami ng pares na puwedeng i-launch sa pelikula, pinili ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sina Aljur Abrenica at Kris Bernal para maging bida sa pelikulang "NANDITO AKO...NAGMAMAHAL SA 'YO." Sa pamamahala ng premyadong direktor na si Direk Maryo J. delos Reyes, kakaibang lakas at galing ang ipinakita nina Aljur at Kris sa pelikula. Matatandaang si Direk Maryo rin ang nag-launch ng tambalan nina Aljur at Kris sa telebisyon sa toprated na "Dapat Ka Bang Mahalin." "Kakaiba ang chemistry nina Aljur at Kris," sabi ni Mother Lily. "Noong nagpunta kami sa Bohol at dinala sila ng Regal doon para mag-shoot, kakaiba ang closeness at sweetness ng dalawa na alam mong puwedeng magtagal at maging matindi sa pagdating ng panahon." "Marami na akong sinoportahang mga loveteams pero ewan ko, pero nababaitan at kinikilig ako kina Aljur at Kris," dagdag pa ni Mother Lily. 'Sa suporta ng mga fans nila at sa mga gusto ng magandang pelikula na nakaka-inlove at nakakatuwa, dapat mapanood nila ang "NANDITO AKO...NAGMAMAHAL SA 'YO."' Showing na ang pelikula nationwide sa Setyembre 30 at may premiere night sa Setyembre 27 sa SM Megamall. Kasama pa rin ang "NANDITO AKO...NAGMAMAHAL SA 'YO" anniversary offering ng Regal Films. |
|
Last Updated ( Tuesday, 22 September 2009 )
|